Monday, April 05, 2010
Thursday, April 01, 2010
Sa Tabi ng Dagat - Ildefonso Santos
It's been a while since I wrote an entry to this blog. Long time!
Ewan ko ba? Sa diwa ng Semana Santa, biglang may naisip akong tula. Actually, may isa pa akong naalala tuwing mga ganitong panahon. Yung linyang "Ngayon ay Biyernes Santo, Patay si Kristo..." (Well, obviously!) Hindi ko nga lang maalala ang title. At ginamit sa Sabayang Pagbigkas.
Anyway, marahil isa sa mga paborito kong tula of all time. Dahil siguro sa napaka-romantikong tunog ng mga talata. And I'm not writing this to make a review. Gusto ko lang mag-create ng nostalgia center. So sa mga nakakaalala pa, namnamin ang tamis at pait ng pag-ibig na nagsimula at nagtapos...Sa Tabi ng Dagat.
Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos
Marahang-marahang
manaog ka, Irog, at kata’y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari’y kinuyom na rosas!
Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
nguni’t walang ingay,
hanggang sa sumapit sa tiping buhangin...
Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nangingimi,
gaganyakin kata
sa nangaroroong mga lamang-lati:
doon ay may tahong,
talaba’t halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?
Pagdadapit-hapon
kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw...
Talagang ganoon:
Sa dagat man, irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan...
Labels:
Books,
Literature,
Poem
Subscribe to:
Posts (Atom)