Friday, October 12, 2012

Ang Stress ng 151 (ever since, stat mech)

Nagising akong 8:30 today na may 1 missed call at 1 text from someone nagtatanong: "Anong oras ang finals natin sa 151? At anong coverage?"

And then boom! It hit me. Ngayong tinanong na ni classmate, saka ko na-realize from top of my head na shit! 7am nga pala ang exam. All this time while reviewing the past few days, I was looking forward to a 9am exam, why?

Dali-dali: 10 minutes na ligo, 5 minutes na bihis at pagkatagal-tagal na pag-aayos ng buhok (roughly).

Habang papuntang NIP, minamap-out ko na sa utak ko anong mga excuses na ibibigay ko sa prof at ang paghingi ng 30mins para matapos ang isang pang-2hour na exam. At sinisisi na rin ang sarili deep inside kung bat pa naidlip ng mga 6:30am, galing sa all-nighter na pagrereview. Naiimagine ko na rin ang worst possible shit: I've been working so hard for this tapos maze-zero lang ako? But I kept calm.

10 minutes past 9 pagdating ng research wing, halos wala nang tao sa NIP. So pumunta straight sa office ni Sir. And then ang pambungad kong tanong, "Sir magpa-finals ba ako in the first place?" Matagal ko na ding tanong yan.

Hindi kasi naglabas ever ng exam results si sir prior to this week. So by the time nag-start ang hell week, I just went straight into loser mode. Buong araw nasa dorm nagso-solve ng mga problems. Lalabas na lang ng mga 2 or 3pm para mag-breakfast at dinner na din. Babalik sa dorm ng 5 tapos review ulit, mga magdamagan na to. Other stuff, I ignored. I cancelled UPM application. Ni hindi ako nag-review for Bio finals. Leading up to last night nga na super confident na akong mape-perfect ko na ang exam. Well, except for the fact that I missed the exam already.

So, si Sir, pointed sa isang tambak ng mga papel. (I was expecting naman na bibigyan niya ako ng kahit 30minutes lang) "Tingnan mo exams mo!" And boom! Ang lago ng scores na hindi ko in-expect. One look and I knew then that I didn't really need to take the finals nga. So dapat nga masiyahan na nga ako and all diba? But no!

First of all, maganda ang outcome, flying colors and all. Pero marami lang akong nai-sacrifice para sa finals exam na to. I was looking forward to this. 2 weeks in the making, isinantabi ko ang napakaraming bagay. Not complaining at all, na-anticipate ko din naman ang mga ganitong sacrifices ever since pa, the puyat, the gutom, etc. Para lang kasing they went all for nothing. Haha! Well, except na-enjoy ko din naman yung pag-aaral. Tapos ang sad lang nung sobrang inignore ko talaga ang application ko sa UPM. I was looking forward pa naman ma-induct as early as October. Pero I had to defer and wait til next year pa for another chance. Haaay...

I guess the takeaway is at least makaka-move forward na ako sa 152, ang last Physics major ko (hopefully) sa isang naaapakahaba at naaaapaka-eventful na undergrad life ko.
Read more...